View Full Version: Ask Dr. Eva

OAV Message Board > General Forum > Ask Dr. Eva

Pages: [1] 2

Title: Ask Dr. Eva
Description: Ask him if you dare, he's quite insane.


eva_guy01 - October 14, 2003 11:40 AM (GMT)
Hello everyone.

This is my attempt to fill in the void this forum has sunk into. <_< Perhaps this will work, perhaps not, and if the moderators arent looking, you might get inane or raunchy questions answered to your pleasure.

So bring it on while Dr. Fujita aint looking. :lol:

Jiro - October 14, 2003 01:14 PM (GMT)
Grimace of McDonald's...

WHAT THE HELL IS HE!?!?!?! :lol:

eva_guy01 - October 14, 2003 05:26 PM (GMT)
Dear Jiro,

First, a picture of your idol. Watch him closely then read on.

user posted image

So you say "WHAT THE HELL IS GRIMACE". Since you are a newbie i will forgive you for not applying for forum membership months ago cuz dear old Dr. Fujita has answered this so many times that i feel uncompelled to repeat him. Instead i will tell you another theory...

What the f**k IS Grimace? Is it a gumdrop? Top of a dick? What?! Grimace is the most esoteric character in history. His name dictates frustration and sadness, yet he's always cheerful. I'd really hate to sit next to this guy at a funeral. He's always smiling and giggling. It'd be really embarassing. And what food was he supposed to represent? The milkshake I guess. Notice how Grimace supports one of the fattiest things on the menu, and he also happens to be the fattest guy on the cast. Yet, he's always smiling and no one seems to care that poor Grimace is *grossly* overweight. That's unhealthy. So while Ronald dresses your kids like pansies and Birdie drops some PCP in their milkshakes, Grimace will make sure they're nice and fat.

Actually i stole this answer from somebody's website. It wont bother me since i can plead insanity whenever i get caught for plagarism. To know more about Grimace and his stupid friends, click this LINK. XD Enjoy!

eva_guy01 - October 14, 2003 05:42 PM (GMT)
Oh yeah, before anything else, i'd like to tell you guys something...

"I ONLY ENTERTAIN A MAXIMUM OF 3 QUESTIONS PER ENTRY. PEEPS WHO'D PLACE MORE THAN 3 QUESTIONS IN ONE ENTRY WILL FOREVER GAIN THE TITLE "MONGOLOID" OR WHATEVER INANE NAME I WILL THINK OF. THIS WRITER HAS THE AUTHORITY TO DISS YOU OFF WHENEVER YOUR QUESTIONS MERITS SUCH ACTION. I LOOK FORWARD WITH OUR FUTURE INTELLECTUAL ONE-LINERS!"

Yours Truly,

Dr. Eva B)

Jiro - October 15, 2003 07:32 AM (GMT)
Meron din nagsabi puto-bumbong daw cya. Na main item ng mcdo dati pero tinanggal sa menu dahil nag international sila... XD

I still don't understand how dinosaurs could'ave died out... Science theories also feel bogus.
Maybe you can relieve me with your own theory?? B)

eva_guy01 - October 15, 2003 11:30 AM (GMT)
QUOTE
Meron din nagsabi puto-bumbong daw cya. Na main item ng mcdo dati pero tinanggal sa menu dahil nag international sila...


Now he's back and now he represents McDonalds newest member of the fast food menu family: The Ube Macapuno Sundae (no joke). Daig pa niya si Robin Padilla pag dating sa come-backs.

QUOTE
I still don't understand how dinosaurs could'ave died out... Science theories also feel bogus.  Maybe you can relieve me with your own theory??

user posted image
They died out because...
1) of boredom. TV wasnt invented yet.
2) cannibis plants (also known as marijuanna) were plentiful during that era but a worldwide forestfire engulfed the earth, burning all the plants, causing all the dinosoars to die of overdose. Mammals were the only creatures who survived.. in a rather complete sense of disorganized happiness (high sila, in short).
3) one dinosaur decided to form a Meteor Cult, and it became very popular, so when a meteor passed by the Earth they thought salvation was near and committed mass suicide.
4) After 65 million years, God became bored of with dinosaurs. So i guess, for mankind's survival, we ought to keep the Big Guy entertained.

Your's truly,

Dr. Eva B)

Jiro - October 24, 2003 08:56 AM (GMT)
Totoo ba yung "the more you hate, the more you love??"

:o

eva_guy01 - November 7, 2003 02:14 AM (GMT)
QUOTE (Jiro @ Oct 24 2003, 04:56 PM)
Totoo ba yung "the more you hate, the more you love??"

:o


user posted image
Okay, you hate this person, but you're also saying you love this person too? Man, you've got issues.

But since im Dr. Eva, and i have the obligation to answer your questions, no matter how twisted.

The more you hate the more you love simply means that you havent gotten over this person. You may think you hate this person but in truth you cant get that person off your head. And if love is the result, then you've been fooling yourself all that time. If you dont hate that person, you love that person, and vice versa. And if you're a guy and that person is a HE, then you'd better stay the hell away from me.

Your's truly,

Dr. Eva B)

Jiro - November 24, 2003 11:06 AM (GMT)
If the good doctor could wish for anything. What would it be?? /gg

eva_guy01 - November 26, 2003 08:09 AM (GMT)
QUOTE (Jiro @ Nov 24 2003, 07:06 PM)
If the good doctor could wish for anything. What would it be?? /gg

I wish for more sensible questions. <_<

Your's truly,

Dr. Eva B)

eva_guy01 - December 24, 2003 09:57 AM (GMT)
QUOTE (Jiro @ Dec 23 2003, 09:32 PM)
Now that you're done with your mech costume... what're you gonna do with it?? And if you don't have an answer to that... can I keep it?? XD

I've placed my APU on my front yard to keep my plastic garden gnomes entertained.

As for keeping it, its yours for P100,000. Actual material cost is P5,000, the rest is compensation for my over-glorified talent fee. ;)

Your's truly,

Dr. Eva B)

Jiro - December 23, 2003 01:32 PM (GMT)
Now that you're done with your mech costume... what're you gonna do with it?? And if you don't have an answer to that... can I keep it?? XD

eva_guy01 - January 30, 2004 07:54 AM (GMT)
Ah the new year, and Dr. Fujita hasnt hasnt opened his clinic yet, although it wouldnt hurt a bit if i continue my rather plagaristic habits and continue this "Ask Dr. Eva" thread. B)

The Doctor is open for business this 2004. Monkey business galore!

Your's truly,

Dr. Eva B)

I-Yah! - January 31, 2004 05:06 AM (GMT)
dear dr. eva,

is it true what people say that you have a repressed childhood? :huh:

sincerely,

joking around

eva_guy01 - January 31, 2004 12:38 PM (GMT)
QUOTE (I-Yah! @ Jan 31 2004, 01:06 PM)
dear dr. eva,

is it true what people say that you have a repressed childhood? :huh:

sincerely,

joking around

People who say so are usually old, senile or ugly. But i love having a repressed childhood, it keeps me from being old, senile and ugly. :P

Your's truly,

Dr. Eva B)

I-Yah! - January 31, 2004 02:17 PM (GMT)
dear dr. eva,

bakit po ang mga jeepney driver tagilid umupo?

sincerely,

(now serious) joking around)

eva_guy01 - February 1, 2004 12:07 PM (GMT)
QUOTE (I-Yah! @ Jan 31 2004, 10:17 PM)
dear dr. eva,

bakit po ang mga jeepney driver tagilid umupo?

sincerely,

(now serious) joking around)

Marami akong theories...

1) Tagilid sila umupo para madali nilang makuha ang pamasahe sa mga pasahero, para di lagi silang lumingon ng todo at magka-stiff neck.

2) Tagilid sila umupo para yung kaliwa nilang mata nakatingin sa daan at ang kanan nakabantay sa mga pasahero. Kaya minsan banlag sila.

3) Tagilid sila umupo dahil may pigsa sa pwet for driving 18 hours a day everyday.

4) Tagilid sila umupo dahil mas priority nila ang tingnan yung sexy sa tabi nila ng front seat.

5) Dahil tagilid sila magmaneho (kaya tuloy, traffic lagi sa Taft, bwisit!).

Seriously joking truly,

Dr. Eva B)

kuro-panda - February 2, 2004 10:20 PM (GMT)
hello dr eva.

nakikicontribute lang po para mabuhay ang ml.

isang tanong lang po sa araw na ito.

meron bang soulmate na tinatawag?

actually dalawa pala question ko:

naniniwala ka ba dito?

yun lang. baabti po ako kay tito boy,tita tita, tito kulit, si angie, sa mga taga-bulacan at makati, sa guard sa opis namin sa umaga, sa guard namin sa gabi...etc...etc...etc....

:sadako:

officer_fujita - February 3, 2004 02:42 AM (GMT)
QUOTE (kuro-panda @ Feb 3 2004, 06:20 AM)
hello dr eva.

nakikicontribute lang po para mabuhay ang ml.

isang tanong lang po sa araw na ito.

meron bang soulmate na tinatawag?

actually dalawa pala question ko:

naniniwala ka ba dito?

yun lang. baabti po ako kay tito boy,tita tita, tito kulit, si angie, sa mga taga-bulacan at makati, sa guard sa opis namin sa umaga, sa guard namin sa gabi...etc...etc...etc....

:sadako:

Hello. Alam kong Dr. Eva ang forum na ito, pero makiki-epal na rin ako (may magagawa ka ba Dr. Eva? Alam ko namang wala e)

Kung naniniwala ka pa sa soulmate, siguro naniniwala ka pa rin kay santa claus, sa easter bunny, at sa manananaggal... ang "soulmate" ay isang konsepto na pinalaganap ng mga manghuhula na tulad nila Madame Auring, Madam Rosa, Jaime Licauco, Manang Bola, etc, etc, etc, bilang isang "marketing tool" at para huthutin ang pera mo sa kakabalik-balik sa "centers" nila para malaman mo kung sino ang iyong "perfect soulmate". Pero ikaw naman ay binibigyan ko ng kalayaan sa iyong mga paniniwala... 'Wag ka lang sana magaya kay Madame Auring na naboplaks sa soulmate nyang si Victor Wood =)


battlechaser - February 3, 2004 02:53 AM (GMT)
sino ang crush mong cosplayer?

ano po ang ibig sabihin ng mga sumusunod na salita?
-boplaks
-buktong
-baklito
-kulafu

ako po ay naguguluhan. sana ako'y inyong matulungan.

regarding soulmates, naniniwala po ako na meron nun. yun na lang ang libangan ng mga mag-asawang kaluluwa pag wala na silang katawan-- di na nga lang sila magkaka-baby...

O_O

:panda:

eva_guy01 - February 3, 2004 10:21 AM (GMT)
QUOTE
From Officer Fujita
Hello. Alam kong Dr. Eva ang forum na ito, pero makiki-epal na rin ako (may magagawa ka ba Dr. Eva? Alam ko namang wala e)


Yeba! Buhay si Dr. Fujita! Badiiiiiing! B)


For BattleChaser:
QUOTE
sino ang crush mong cosplayer?

Yung lores pic ng cosplayer ng rinoa. Yung cute na naka-make up. Yung crush din ni JM. Medyo kamukha nga ng avatar mo.

QUOTE
ano po ang ibig sabihin ng mga sumusunod na salita?
-boplaks
-buktong
-baklito
-kulafu

Boplaks - bagong value meal ng SM Foodcourt. Bopis and Laklak.
Buktong - salitang kalye ng "This is my book".
Baklito - smaller subspecies of bakla.
Kulafu - younger brother ni Lapu-Lapu/popular na inuman sa Davao

For Kuro-Panda:
QUOTE

isang tanong lang po sa araw na ito.

meron bang soulmate na tinatawag?

actually dalawa pala question ko:

naniniwala ka ba dito?


Tulad ng sinabi ni Officer Fujita (OF) at Battlechaser (BC), marami klasing interpretasyon ang paniniwala sa Soulmate. Kung kay OF ay producto ng imahinasyon at kalokohan, at kay BC ay tipong pang-kama lamang (manyak talaga pa rin yang taong yan miskina patay na), sa sarili ko ang tipong Soulmate ay katulad din sa paniniwala sa anting anting.

Pareho silang nagbibigay lakas loob na magawan ng paraan para ma-convince mo yung crush mo na talagang kayo talaga at wala nang iba. Pag humirit kang "soulmate kita!" eh di wala na talagang magawa yung lalaking yun kasi, ayon sa iyong paniniwala, ay iyo na ang lalaking yon sa buong buhay mo. Pwde ka nang gumawa ng ibat ibang gawain na tipong "stalker" at "desperado" ang dating kasi soulmate mo siya at dapat kayo na. Kung hindi, sisiguraduhin mong pareho kayo sabay maging multo sa pamamagitan ng pagsabog ng granada sa mukha niya.

Sa tanong mo na kung naniniwala ako sa Soulmate? Sa panahon nito, hindi pa dahil di pa ako nakabili ng granada.

Your's truly,

Dr. Eva B)

kuro-panda - February 3, 2004 08:11 PM (GMT)
salamat po dr. eva sa pagsagot sa aking tanong.

salamat din po kay of at bc para sa pagbibigay ng ibang impormasyon sa aking tanong. may panibago ako tanong.

mahilig po kasi ako kay sadako at idol ko sya sa takutan (walang kaparis!). :petrify:

tanong:bakit ganoon ang hairdo nya? totoo ba na ang tubig sa isang balon ay nagpapaganda ng buhok? ano po ang ginagawa ni sadako sa loob ng balon noong 30 taon na sya'y nakatira doon? may kaparis ba si sadako sa pananakot sa mga tao? mukha ba syang nag parebond?

~~*sadako fan*~~
kuro-panda :sadako:

eva_guy01 - February 4, 2004 01:26 AM (GMT)
QUOTE (kuro-panda @ Feb 4 2004, 04:11 AM)
mahilig po kasi ako kay sadako at idol ko sya sa takutan (walang kaparis!). :petrify:

tanong:bakit ganoon ang hairdo nya? totoo ba na ang tubig sa isang balon ay nagpapaganda ng buhok? ano po ang ginagawa ni sadako sa loob ng balon noong 30 taon na sya'y nakatira doon? may kaparis ba si sadako sa pananakot sa mga tao? mukha ba syang nag parebond?

~~*sadako fan*~~
kuro-panda :sadako:

Kaya maganda ang buhok ni Sadako ay dahil sa Sardinops melanosticta. Dahil si Sadako ay naiwan sa ilalim ng balon ng mga 30 years na, at alam naman ng lahat na ang balong ito ay konektado sa dagat, tuluyang matutuyo at magkakaroon ng split ends ang buhok ni Sadako. Pero salamat sa natural na biosphere ng Japanese Bay, ang balon ni Sadako ay isang natural na migration route ng isang uri na isda na Sardinops melanosticta, or in layman's terms, Sardinas.

Yes, according to scientific knowledge, ang sardinas ay isa sa mga uri ng isda na may pinakamataas na laman ng natural na mantika sa katawan nila. Hinuhuli lang ni Sadako ito at pinipiga ang isda sa buhok niya para magkaroon siya ng natural oil treatment. Kinakain din niya ito para mabuhay siya, pero tulad lahat ng tao, kailangan din natin ng Vitamin E na nakukuha lamang sa ultraviolet rays ng araw kaya tuluyang namutla si Sadako sa balon.

At akala mo natakot ang mga biktima niya dahil sa kanyang beautiful white skin at lavishly shining hair? Namatay sila sa sobrang langsa ng amoy niya.

Your's truly,

Dr. Eva B)

officer_fujita - February 4, 2004 06:46 AM (GMT)
QUOTE (kuro-panda @ Feb 4 2004, 04:11 AM)
salamat po dr. eva sa pagsagot sa aking tanong.

salamat din po kay of at bc para sa pagbibigay ng ibang impormasyon sa aking tanong. may panibago ako tanong.

mahilig po kasi ako kay sadako at idol ko sya sa takutan (walang kaparis!). :petrify:

tanong:
~~*sadako fan*~~
kuro-panda :sadako:


1. bakit ganoon ang hairdo nya?
Hindi ako hairstylist, kaya hindi ko alam...

2. totoo ba na ang tubig sa isang balon ay nagpapaganda ng buhok?
Hindi pa ako natapon sa balon ng 30 taon, kaya hindi ko alam...

3. ano po ang ginagawa ni sadako sa loob ng balon noong 30 taon na sya'y nakatira doon?
Hindi kami close, kaya hindi ko alam...

4. may kaparis ba si sadako sa pananakot sa mga tao?
Hindi mahilig sa katatakutan kaya, you guessed it, hindi ko alam...

5. mukha ba syang nag parebond?
Hindeh, shinampoo nya lang yon, kayo talaga...

I-Yah! - February 5, 2004 12:18 AM (GMT)
dear dr. eva,

sino ang iboboto mong presidente at bakit sya ang napili mo?


eva_guy01 - February 6, 2004 02:08 AM (GMT)
QUOTE (I-Yah! @ Feb 5 2004, 08:18 AM)
dear dr. eva,

sino ang iboboto mong presidente at bakit sya ang napili mo?

Siya ang iboboto ko dahil idol ko siya at close kay Manang Kris, as in sobra. Gosh!

user posted image

Iboto ang El Presidente! Mabuhay!

Your's truly,

Dr. Eva B)

battlechaser - February 6, 2004 03:00 AM (GMT)
WTF?????

hehehe,...... --___--00


:panda:

kuro-panda - February 6, 2004 02:32 PM (GMT)
QUOTE (eva_guy01 @ Feb 6 2004, 10:08 AM)
QUOTE (I-Yah! @ Feb 5 2004, 08:18 AM)
dear dr. eva,

sino ang iboboto mong presidente at bakit sya ang napili mo?

Siya ang iboboto ko dahil idol ko siya at close kay Manang Kris, as in sobra. Gosh!

user posted image

Iboto ang El Presidente! Mabuhay!

Your's truly,

Dr. Eva B)

nde ko alam na malapit na pala si erap kay kris! ano na lang sasabihin ni tita cory?!

my golly gulay gosh!!!

disturbing.disturbing talaga.

kuro-panda :sadako:

kuro-panda - February 6, 2004 02:34 PM (GMT)
QUOTE (kuro-panda @ Feb 6 2004, 10:32 PM)
nde ko alam na malapit na pala si erap kay kris! ano na lang sasabihin ni tita cory?!

my golly gulay gosh!!!

disturbing.disturbing talaga.

kuro-panda :sadako:

wait...wait...totoo ba yang nakikita ko?

si jm ba yan o si toby na sagisag ng pangulo ng oav? o si paul pa rin?

officer_fujita - February 7, 2004 04:23 AM (GMT)
...naknamponkan... ako yan a!

minamic - February 7, 2004 04:57 AM (GMT)
QUOTE (officer_fujita @ Feb 7 2004, 12:23 PM)
...naknamponkan... ako yan a!

ikaw nga yan. :P

Jiro - February 8, 2004 05:43 AM (GMT)
elo mga doctor, loko-loko, at kung ano pang kababalaghan na lumitaw sa teritoryo ng OAV. :P

Question, baket green ang kulay ng kulangot??

galeng sa ragnarok, bat mukhang t*** ang hode??

pag nakipagbakbakan si hello kitty kay pikachu, sino mananalo??

yun lang po :P

eva_guy01 - February 9, 2004 03:44 AM (GMT)
QUOTE
Question, baket green ang kulay ng kulangot??


Green ito dahil itoy naging resulta sa pagbuga ng toxins na naipon sa inner nasal passages natin. Toxins buhat sa excess carbon monoxide at kung ano anumang chemicals na pumapasok sa ilong natin. Ang green na nakikita mo ay infected mucus na nanigas at naging isang bagay na kilala natin bilang "kulangot". Minsan, lalo na pag nakatira ka sa probinsya o tabing dagat, puti ang ating mga kulangot, dahil ang mga tumigas don sa nasal passages natin at tipong mga non toxic elements tulad ng natural pollen or dust. Ang kulay ng kulangot natin ay puti, o slightly green lamang.

Pero sabi rin ng ikatatanda na ang green na umuuhog sa ilong natin ay tipong tira tira ng pagiisip natin na umaagos lamang dahil punong puno utak mo ng mga larawang kabastusan. Ops! Bakit ka deny? Liars goto hell.

QUOTE
galeng sa ragnarok, bat mukhang t*** ang hode??


user posted image
Siguro type lang niyang magmukhang burnik, additional defensive strategy na hindi naman gumagana kaya malas niya. Kung hindi ka pa mapakali sa sagot ko, mag-email lamang sa Level-Up hotweb thegameboss@level-up-games.com at ipasa mo sa kanila ang tanong mo. Pero wala akong kasalanan kung maasar sila at tuluyang maging permanent ang game ban sa iyo.

QUOTE
pag nakipagbakbakan si hello kitty kay pikachu, sino mananalo??

Hindi mangyayari yon dahil mahilig si Hello Kitty sa bading na pocket monsters.

Your's truly,

Dr. Eva B)

acewildgal - February 11, 2004 03:01 AM (GMT)
Doc, may itatanong ako sa iyong bumulabog sa isipan ko isang araw na nakasakay ako sa mrt. sana pagbigyan ninyo po ang aking mga katanungan.


1. bakit swabe ang tawag sa mga lalaking may bigote?
2. talaga bang nakakadagdag sa kaguwapuhan ng isang lalaki ang pagkakaroon ng bigote? kung ganon, bakit ang mga bishie na kinalolokohan natin, walang bigote?
3. bakit po nga ba connected ang buhok sa sex appeal? bakit ang babaeng may long hair maganda, ganon din ba kung mabuhok-buhok ang lalaki?
4. magpapatubo rin ba kayo ng bigote tulad ni mr.suave para lumakas ang inyong sex appeal?


maraming salamat po .


mula sa inyong masugit na tagapagsubaybay :o

eva_guy01 - February 11, 2004 07:07 AM (GMT)
First, pakita muna natin si Idol.
user posted image
Disclaimer: Ang mukha ng taong ito ay nakaw lamang at walang kontribusyon sa ano mang katarantaduhang sagot na nakikita mo galing kay Dr. Eva. B) Ang duktor ay mahilig lang mang-trip kaya malas niya.

Now for the questions...

QUOTE
1. bakit swabe ang tawag sa mga lalaking may bigote?

user posted imageObvious naman na ang taong may bigote malakas ang hila sa babae. Ibang klase kasi ang aming kiliti at tanging yaman pa namin sa pagiging "maliksi". Sikreto ni Erap din yun, kaya naging presidente.

QUOTE
2. talaga bang nakakadagdag sa kaguwapuhan ng isang lalaki ang pagkakaroon ng bigote? kung ganon, bakit ang mga bishie na kinalolokohan natin, walang bigote?

user posted imageOo, talagang nagdadagdag sa pagkagwapo ang pagkakaroon ng bigote. Yung sinasabi mong Bishie, kalokohan lang yan! Lalake na mukhang babae gwapo?!? Anong katarantaduhan yan?!? Ang lesbiana naman ng dating non! Kakahiya naman sa mga babae. Eh kung mukhang babae type nila, wala na akong magagawa, pero alam kong mga babaeng tunay lamang ang humahabol sa pagkagwapo ng bigote ko. Sino namang babae hahabol sa babaeng may bigote, di ba?

QUOTE
3. bakit po nga ba connected ang buhok sa sex appeal? bakit ang babaeng may long hair maganda, ganon din ba kung mabuhok-buhok ang lalaki?

user posted imageNasa taste ng tao yon. Meron nga iba gusto ng mabuhok-buhok na babae noh?!? Basta sa akin, ultimong sex-appeal ang bigote ko, deny ka pa dyan!

QUOTE
4. magpapatubo rin ba kayo ng bigote tulad ni mr.suave para lumakas ang inyong sex appeal?

user posted imageAba, oo! Idol ko yung kumag na ito. Hindi pwede niyang solohin ang mga chicks sa mundo! Pero magiging orig ako, gagawin kong bigote-shape ang buhok na di nakikita ng liwanag ng araw. Curious kayo? Kung cute ka papakita ko sa iyo! Yeba!

Your's truly,

Dr. Eva B)

eva_guy01 - February 19, 2004 01:37 AM (GMT)
Wala ba kayo mga tanong diyan? Bored ang duktor! :rolleyes:

Your's truly,

Dr. Eva B)

officer_fujita - February 19, 2004 02:10 AM (GMT)
mag-cosplay ka ba sa animax?

eva_guy01 - February 19, 2004 08:45 AM (GMT)
QUOTE (officer_fujita @ Feb 19 2004, 10:10 AM)
mag-cosplay ka ba sa animax?

Gusto ko ito. :)

user posted image

Kung may pera nga lang, ok sana. Pero parang wala na akong gana kasi wala nang pang-gastos. ;_;


Mag Great Teacher Onizuka nalang kaya. Yung busog version.


Your's truly,

Dr. Eva B)

I-Yah! - February 19, 2004 10:15 AM (GMT)
eto seryosong tanong:

bakit andaming torpeng lalake?!?

i'm sure maitatanong din yan ng mga gels. B)

eva_guy01 - February 19, 2004 01:30 PM (GMT)
QUOTE (I-Yah! @ Feb 19 2004, 06:15 PM)
eto seryosong tanong:

bakit andaming torpeng lalake?!?

i'm sure maitatanong din yan ng mga gels.  B)


Torpe and mga lalake dahil:

1) Intimidated sila sa iyo. Ganda ng pare ko eh. :wub:
2) Takot sila sa rejection, mga duwag talaga. <_<
3) Naniniwala sila sa gender equality at sa totoo naghihintay lang sila na ikaw ang manligaw sa kanila. Kaya tuloy pektos kayo at naghihintay sa wala. XD
4) Hindi sila lalake. :o
5) Baka may kakaibang amoy ka. ;_;

Pero sigurado ang totoong rason sa lahat kaya maraming torpe na lalake ay dahil insecure sila sa aking abilidad sa babae.

Seryoso.

Ayaw mong maniwala? Itanong din yan ng mga gels. :D


Your's truly,

Yumayabang na Dr. Eva B)




* Hosted for free by InvisionFree